this is my OWN first short story...
K A T R E
mauzinisterice
Isang gabing ako’y nagninilay-nilay sa isang sulok ng isang estrangherong silid, may mga alaalang pilit na tumungo sa aking diwa, na waring nag-iimbitang aking balikan. Mga alaalang pumuno at nagbigay-buhay sa panandalian kong pananatili sa di permanenteng katauhang sa aki’y ipinahiram at mga pangyayaring pilit na nag-uunahang bumalik sa aking kamalayan. Hindi ko na tuloy namalayang umaagos na pala ang nagpapaligsahang patak ng luha mula sa aking mga matang nawalan na ng ningning, dahil marahil sa alaala ng aking nakaraang sumukob sa aking kabuuan. Ah! Tila yata’t ako’y nagsisimula na namang dalawin ng aking mapang-angking emosyon --- mga emosyong malimit pumukaw sa aking ulirat mula sa pagmulat hanggang sa pagpikit ng aking mga mata. Lahat! Lahat ng mga pangyayari’y tila nakaprograma na sa aking utak. Ngunit iisa lamang ang nakapagpapakalma sa akin --- ang nag-iisa kong katre --- katreng di ko na maaari pang mahihigaan.
Noong ako’y musmos pa lamang, ang aking katre’y nagtataglay pa ng malakas at matikas na tindig na tila humihikayat sa sinumang makakita na ito’y sunggaban at damhin ang kaginhawahang maibibigay nito. Ngunit sa ngayon kaya’y naroon pa rin ang kakisigang taglay niya? Kumupas na kaya siya’t napag-iwanan na rin ng panahon? Kunsabagay, ilang beses ko na bang pinukpok ng martilyo’t binaunan ng sandamakmak na pako ang ilan, o di kaya’y halos lahat na ata ng parte ng aking payak na higaan? Ilang litro na rin ba ng barnis at pintura ang aking inubos upang panatilihin ang kaakit-akit nitong anyo? Ngunit magkagayon ma’y marami-rami na rin ang pinagsamahan namin ng aking katre. Ilang luha na rin ang pumatak sa kanya dahil sa mga kabiguang aking nalasap buhat pa sa kamusmusan. Siya ang aking santungan --- pinagkukunan ng lakas. Naaalala ko pa nga noong ako’y malimit paluin ng aking… ina nga ba ang nararapat ituring sa isang babaeng di ko naman kaanu-ano? Isang babaeng nagmulat sa mura kong katawan sa mabibigat na gawaing-kalye. Oo. Bata pa lamang ako’y nagsimula na akong magtrabaho --- naging kargador, tiga-tulak ng mga sasakyang tumitirik sa baha tuwing tag-ulan. Kusabagay, pabigat lamang daw ako. Mabuti nga raw at ako’y kanya pang kinupkop nang ako’y makita nilang umiiyak at naglalakad ng walang direksyon.
Biyernes noon. Araw ng Quiapo. Maraming tao. Ako’y natagpuan ng mag-asawang hindi biniyayaan ng anak` na umiiyak at naglalakad na tila may hinahanap sa bangketa ng Quiapo. Mga tatlong taon daw ako noon. May suot daw akong relo ni Jollibee, naka-short na maong at asul na t-shirt na may bolang pumupopot sa gitna. Hah…! Hanggang ngayon pa ata’y nakatago pa iyon sa ilalim ng katre ko.
Kung tutuusi’y hindi naman talaga ang kinagisnan kong ina ang nagnais na ako’y kupkupin. Yung asawa niya --- ang nagpadama sa akin ng tunay na pagmamahal. Ngunit iyo’y panandalian lamang --- sapagkat ako’y kanyang nilisan at iniwang mag-isa sa piling ng mapang-abuso niyang asawa. Naaksidente siya sa trabaho niya sa construction. Nahulog siya sa ika-7 palapang ng isang establisyimentong kanilang binubuo. Kahit na ako’y nasa walong taon pa lamang noo’y labis ko iyong dinala sa loob rin ng ilang buwan. At tanging isa lamang ang naging karamay ko --- ang aking katre.
Sa ganoon lumakad ang panahon. Sa ganoon umikot ang aking mundo. Lumaki akong di man lang nalasap ang tunay na kahulugan ng laro. Di ko man lang nakabisa ang mga letra sa Ingles, dahil hanggang elementarya lamang ang natuntong ko. Di rin ako natapos dahil wala nang amang tutustos sa akin. Walang direksyon ang aking masalimuot na buhay. Ngunit sa wakas ay nakawala na rin ako sa hawlang binuo ng nakagisnan kong ina. Nilisan na rin niya ang mundo dahil sa sakit na goiter. Mag-isa na lang ako sa aming mumunting dampa.
Hindi lumaon, napabilang ako sa mga kabataang naging patapon ang buhay. Nalulon
ako sa iba’t ibang uri ng bisyo. Alak, sigarilyo, droga, marijuana, at kung minamalas at walang pambili, rugby lang ang katapat. At dahil sa wala akong tinapos, hindi ako tinanggap sa lahat ng disenteng trabahong pinasukan ko. Ang resulta, wala na akong pantustos sa bisyo ko. Kaya tuloy napilitan akong gamitin na ang laman na tanging hindi nabanat at nagalaw mula pa sa aking kamusmusan. Nagbenta ako ng laman --- panandaliang aliw. Mga babae, bakla, matrona, o kung minsan pa nga’y mga lalaki. Mapuputi, maiitim, matatanda, bata, teen-ager --- yan ang mga costumer ko. Hanggang sa maging star dancer ako sa isang gay bar dala na rin marahil sa taglay kong kakisigan. Dito’y nalimot ko na ang katreng lagi kong karamay at kakampi dahil sa iba’t ibang kama na ang hinihigaan ko.
Isa sa mga gabi ng aking pagtatanghal, ang aking “Big Night,” ang mga suki kong matrona’y may ipinakilala sa akin matapos ang aking palabas. Tulad rin nila --- naghahanap ng lalaking kakanti sa kanilang libido sa katawan. Ngunit tila siya’y iba sa kanila. Iba ang pakiramdam ko sa kanya. Disente siya at hindi garapal. Maganda pa rin siya bagamat di na maitatago ang ilang linya sa kanyang mukha. Sa una pa lamang ay alam kong magkakasundo kami.
Mabilis lumipas ang panahon. Di rin nagtagal ay naging regular na kostumer ko na siya. At dumating pa ang puntong gabi-gabi na kung siya’y magpunta ng bar at di na ko tumeteybol sa iba --- sa kanya na lang. Ang resulta, nagkaroon kami ng relasyon. Isang malalim na relasyon. Humantong pa nga iyon sa pag-uwi ko sa kanya sa bahay ko. At ang katre ko --- nahigaan ko ulit. Ngunit di na iyon tulad ng dati. Sapagkat may kasalo na kong dadagan sa kanya at magtatampisaw sa kaligayahan sa pusikit na karimlan ng gabi. Muli ko na namang nakasama ang katre ko --- ngunit ngayo’y sa kasiyahan ko naman siya kasalo. Sapagkat noon ko lamang nadama ang tunay na pagmamahal mula sa isang kauri ni Eba na kahit ang kinagisnan kong ina’y di naipadama sa akin. Buti na lamang at ako’y nahantong sa ganitong buhay at nadama ang tunay na pagmamahal. Salamat na rin sa aking kinagisnang ina…
Hah! Sumasakit ang aking ulo. Mag-uumaga na naman. Bukas, makikita at makakasalamuha ko na naman ang mga magugulo, ngunit totoong tao dito. Kung maaari lang sana’y ayoko nang umalis dito… nais kong mas tumagal pa ang pagsasamahan namin ng mga taong kasama ko rito. Ngunit ilang buwan na lamang at ako’y aalis na rin…
Haay… araw na naman ng dalaw. Siguradong malulungkot na naman ako dahil sa inggit. Itong isa kong kosa, dinalaw na rin ulit ni misis. Napatigil tuloy ako’t naalala na naman ang nakaraan… ang buhay ko noong kapiling ko pa ang aking mahal…
Wala na siyang pamilya. Yan ang kuwento niya sa akin. Ngunit di naiwasan ng kanyang mga pagkakaila ang utos ng tadhana. May asawa siya. Tatlo ang anak. Nang siya’y aking kumprontahin, di na niya iyon naitatwa. Nagtapat na siya sa akin. Sinabi niya ang lahat lahat. Kung papaano niya naging kabarkada ang dati kong mga suki, kung papaano siya natutong magpunta ng gay bar, kung bakit siya napunta sa akin.
Nasira ang kanilang relasyon ng kanyang asawa nang ang kanilang kaisa-isang bunsong anak ay mawala. Labinsiyan na taon na ang nakalilipas nang ito’y maganap. Namasyal sila noon at nagsimba sa Quiapo dahil noo’y Biyernes, araw ng Quiapo na nataong kaarawan naman ng kanyang mahal na bunso. Pinamili nila ito ng mga damit. Sa sobrang katuwaan nga ng bunso nila’y isinuot kaagad ang bagong asul na t-shirt na may bolang pumupoput-popot sa gitna. Lalo pang nasiyahan ang 3 taong bata nang ibigay nila sa kanya ang pinangarap na relo ni Jollibee. Ngunit nang siya’y maghanap ng CR at iwanan ang kanilang bunso sa kanyang esposo, bumalik siyang wala nang nakitang bunso na sasalubong sa kanya. Napabayaan ng kanyang asawa ang ang pagbabantay rito nang may makitang kakilalang babae at kinausap. Ang masaklap pa nito’y natuklasan niyang ang babaeng kausap ng kanyang asawa’y kanya palang kalaguyo. Dahil sa pangyayaring iyo’y di na muling naibalik ang dati nilang magandang patitinginan. Humantong pa nga iyon sa pananakit sa kanya nito.
Pag-uwi ko ng bahay, akin muling naalala ang katreng lagi kong karamay. Mahaba-haba na rin pala ang panahong di ko ito nasarili. Napansin ko tuloy na ito’y tila nangungulila na sa akin. Ako’y muling nagmuni-muni rito. Sa aking pag-iisip ay mayroon akong naalala --- ang kuwento ng aking kasuyo. Di ko mawari kung bakit ang pintig ng aking puso’y bumilis ng bumilis. Tila ba ako’y mabibingi sa bawat katagang bumabalik sa pandinig, “Labinsiyam na taon na ang nakalilipas nang mawala ang aking bunso…” Napatigil ako. Nagsimula akong kilabutan. Pakiwari ko’y ako’y isinasalang sa isang pugon dahil sa tila walang katapusang pagtulo ng pawis sa aking katawan… ako’y beinte uno na ngayon at tatlong taon nang ako’y matagpuan ng aking ama sa Quiapo… Quiapo! Sa Quiapo nawala ang bunso nila! Hindi ito maaari…hindi! Hah! Ngayon ata umiipekto ang gamot na tinira ko kahapon eh… Isa lamang ito sa mga kahibangan ko! Ngunit ang relo… may relo rin ako ng matagpuan… at yung t-shirt na asul… Aaaahhh!!! Hindi… kailangan kong limutin at alisin sa aking utak ang kabaliwang ito. Ngunit ako’y di makatulog. Buwisit! P----- --na!!!
Hinanap ko ang relo ko nung ako’y matagpuan sa may Quiapo. Hinalughog ko ang kabuuan ng aking kuwarto at sa ilalim ng katre ko ito natagpuan na kasama pa ang asul na t-shirt sa isang kahon. Naroroon pa rin at di pa burado ang aking dating pangalan… “ICE MARU”… malinaw pa!
Sa aking kalituhan, sa kalaliman ng gabi, alas-11, dali-dali akong tumalima sa utos ng aking isip. Tinungo ko ang isa sa dalawang address na ibinigay sa akin ng aking mahal dala ang aking nag-iisang relo. Ngunit di ko natagpuan ang aking kasuyo. Tanging ang kanyang matandang asawa lamang ang aking dinatnan. Nasa isang address ito. At pagkakita pa lang sa aki’y ako’y kanya nang itinaboy at pinagmumura pa. Dala marahil ng halu-halong emosyong sumukob sa aking kabuua’y nasakal ko ang matanda hanggang sa ito’y malagutan ng hininga. Dagdag pa ng pagkasuklam na nadama ko sa kanya dahil sa pambubugbog niya sa aking minamahal. P-------na! Problema na naman ito!
Sa aking pagkasindak, iniuwi ko ang bangkay matapos ko itong balutin ng sangkatutak na kumot at sineal ng package tape sa tulong ng isang taxi. Sa bahay, inisip ko kung saan ko ito maaring itago. Tama! Dun sa hindi mahahalata. Mabuti na lamang at may kalayuan ang mga kapitbahay ko. Nabili ko na rin ang bahay at di ko na aalalahanin kung may magpupunta pang ibang tao roon.
Paglipas ng tatlong araw, may isang di inaasahang bisita akong dumating --- ang aking kasuyo na nangungumusta sa dahilang di ako nagpunta ng gay bar sa nakalipas na tatlong araw. Hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin --- di ko alam kung ano ang aking sasabihin. Kaya ang nasabi ko na lamang ay nagpahinga lamang ako dahil di ko pa iyon nagawa sapul nang magsayaw at magpa-pick-up ako sa gay bar. Ang sagot niya'y mas maganda raw kung sinabihan ko siya upang nasamahan niya ko sa aking pagpapahinga. Sa katagalan ng aming usapan, nasambit niya niyang nawawala ang kanyang asawa. Nagitla ako sa aking narinig. Nagpanting ang aking mga tenga. Kailangang maiba ang aming usapan. Mahal ko siya. Ayaw kong mamuhi siya sa akin. Ang tanging nagawa ko na lamang ay ayain at akitin siyang magtampisaw muli sa tubig ng pagkakasala. Hindi ko alam kung ano bang kung ano ang pumapasok sa aking katauhan at iyo’y nagagawa ko pa. Siya ang aking ina --- ngunit tila nangingibabaw ang aking pag-ibig para sa kanya! Subalit di pa naman ako tiyak kung siya nga ang aking ina.
Bigla siyang natigilan. Bigla siyang napapitlag sa isang umaalingasaw na amoy ng isang bagay na di maipaliwanag kung saan nagmula --- nakasusuka, nakapandidiri. Alam ko na kung ano ang kanyang tinutukoy… Pilit ko siyang inilayo sa gayong kaisipan at pinilit na ituloy ang aming pagtatampisaw sa karimlan ng umaga. Ngunit mapilit siya. Sinabi niyang kailangan ko daw malaman kung ano yun dahil maaari daw iyong maging mitsa upang ako'y dapuan ng sakit. Sa sobrang pag-aalala, ako'y nataranta. Hindi ko na naitago pa at ipinagtapat ko na kung ano ang kanyang kanina pang naamoy. Nabigla siya --- hindi ko alam… pero tila yata't ako'y nagsisimula na niyang kasuklaman. Ngunit ako'y nagkamali. Sinabi niyang siya'y wala nang pakialam kung anuman ang nangyari sa kanyang asawa. Wala na daw siyang pakialam. Kaya itinuloy ko na lamang ang pagtatrabaho sa kanya at pilit ko siyang pinaligaya. Ngunit nang kanya nang aalisin ang aking pantalon upang muling matikman ang katawan kong nalaspag na ng trabaho'y nakapa niya ang isang bagay na bumukol sa aking bulsa --- ang nag-iisa kong relo. Nang ito'y kanyang tingnan, siya'y nasindak at napatigil sa kanyang ginagawa. May mga luhang namuo sa kanyang mga mata. Tinanong niya ako kung saan ko iyon galing. Itinanggi kong iyo'y akin sapagkat natatakot akong maganap ang tagpong aking kinatatakutan --- ang malaman ang katotohanan. Nagsimula siyang umiyak at magkuwento tungkol sa kanyang bunso. Yun daw ang relong ibinili niya sa bunso niya nung sila'y namasyal. Hindi raw siya maaaring magkamali! ICE MARU ang pangalan ng kanyang bunso. Tumigil sa pag-inog ang mundo ko. Sapat na iyon upang ako'y magising sa isang bangungot na nilikha ng panahon… ICE MARU ang tunay kong pangalan ngunit ito'y iniba lamang noong ako'y tuluyang ampunin ng mag-asawang kumupkop sa akin. Aaahhh!!! Mahal ko siya. Mahal niya ako. Ayoko ng harapin ang katotohanan. Ayoko na…
Tuloy siya sa pagkukuwento. Ngunit siya'y lalong nagitla nang makita ang asul na t-shirt sa sofa ng sala. Pilit niya akong tinanong kung kanino at saan ko iyon nakuha. Hindi ko na nakaya…sasabog na ako…niyakap ko siya ng mahigpit --- mahigpit na mahigpit. Walang nang emosyon sa aking mukha. Napagod na ata ang aking mga matang di na pumikit sa tatlong araw na pag-iisip. Sinabi ko sa kanyang ayaw ko, ngunit pilit na pinatutunayan ng mga pagkakataon. Isang sigaw ang binitawan ko… “INAAYYY, NANAY KO…!!! Pero MAHAL KITA… MAHAL NA MAHALLL!!!”
Tumigil siya sa pag-iyak. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakatingin siya sa kawalan, nanginginig. Ako naman ang umiyak. Hinalikan ko siya sa labi --- isang mariing halik. Ngunit di siya sumagot. Tinitigan ko siya. Nagulantang ako nang siya'y tumayo. Humagulgol siya't tinungo ang pinto. Humarap siya sa akin --- tumawa… malutong na halakhak. Matapos ay tumakbo papalabas at nagsisigaw. Hinabol ko siya. Ngunit di ko na inabutan.
Nagulat ako nang tapikin ang aking balikat ng kosa ko. Hindi ko na tuloy naitago sa kanila ang dali-daling bumagsak na luha sa aking mga mata. Kakain na pala --- tanghalian na.
Ang oras ay lumipas. Ang araw ay napakabilis. Ang mga pahina ng kalendaryo’y mabilis na nababawasan. Ang dating estrangherong silid ay naging kaibigan ko na rin. Sa katagalan na rin siguro ng panahong itinigil ko sa dito’y nakabisa ko na ang apat na sulok ng silid na ito. Ngunit ang katreng hinihigaan ko, kahit magpasahanggang ngayo’y di ko pa rin lubusang matanggap bilang kaisa sa aking pagharap sa buhay. Iba pa rin kasi ito mula sa katreng dumamay at kumalinga sa akin. Puno pa rin ako ng kanyang mga alaala at ng kanyang kaginhawahan. Nasaan na kaya ito ngayon?
Matapos kumain, tinawag na ako ng isa sa mga guwardiya ng bilangguan. Niyakap ako ng mga kakosa ko bago ko nilandas ang daan patungo sa tumatawag sa akin. Kinausap ako ng taong nakaupo. Ngunit parang di ko siya maaninag at marinig dala ng nakabibinging alaalang bumabalot na naman sa akin.
Ilang araw matapos ang pagkumpronta ko sa katotohanan, ipinagiba ko ang aking bahay. Ngunit hindi pa ito natatapos ay may mga pulis nang sumundo sa akin. Isa raw ako sa mga suspek sa pagkawala ng isang matandang lalaki.
Mabilis lumakad ang mga kamay ng orasan at napagtibay ang mga ebidensiyang laban akin --- natagpuan ang bangkay ng lalaking nakabalot ng mga kumot at package tape sa giray giray kong bahay sa ilalim ng isang katre. Napatunayang ako'y nagkasala.
Dahan-dahang lumiliwanag ang paligid. Isang lalaking nakaputi at may suot na krus at dalang makapal na libro ang nakahawak sa aking kalbong ulo ang naririnig kong bumubulong.
Pagkatapos ay may 2 lalaking nakauniporme ang humawak sa akin at iniluklok ako sa isang silyang dati'y nakikita ko lamang sa mga diyaryo at telebisyon. Ngunit ngayo'y ako na ang sapo nito --- ang silyang may tila helmet na isinuklob sa akin at nakapagbigay sa akin ng ganap na katahimikan…

0 Comments:
Post a Comment
<< Home